8/26/08
9:OO PM - Kitakits
Maaga ako nang sampung minuto sa tinakdang oras. Nagulat ako sa dami ng mga taong nakapila at nakatambay sa bus station. Hindi lang kami ang nakaisip na mag out-of-town. Pero bakit andaming gusto sumakay papunta ng Tuguegarao? Sa ibang mga bus station naman na iba ang destinasyon hindi ganito. Halos saktong
Sa Jollibee na nagsunuran ang mga tao. Si Cha, na nakitambay lang, si Totoy, si Au at Beck na galing timog (as in “south” hindi yung gimikan) at si Jen and Helen. Pasado alas diyes ay isa nalang ang kulang sa amin, si Rex. Alas nuwebe palang ay tumawag na si Rex upang sabihin na hindi siya makakarating sa takdang oras. Nagkaproblema daw at kailangan niyang manatili pa sa opisina. Di naman daw pwedeng sabihin sa manager niya na may trip siya.
10:3O PM - Deliberation
Pinagusapan namin bilang isang grupo ang sitwasyon. At dahil kami ay magkakaibigan, walang iwanan. Tinanong namin si Rex kung anong oras siya makaka-alis, sabi niya mga 12 or
Sa gitna ng pagkalito, naisipan kong buksan ang laptop ko upang maghanap ng isang telephone number sa isa sa mga Word files ko. Hindi ko nahanap. Na-curious lang naman ako at in-on ang Wifi ko.
Dito na namin naisipang magtagal. Umaasang darating na si Rex ng 3AM. Naghintay. Nagyosi. Sinubukang matulog. Nagkwentuhan. Nagyosi uli
Boarding time na at naisipan naming sa loob nalang maghintay. Malamig at malambot ang upuan, hehe. Nagyosi ako sa labas para abangan si Rex, dapat ay parating na siya. Ambilis napuno ng bus kaya hindi maiwasan at kailangan nang bumiyahe. Umandar na ang bus at paglabas ng stasyon ay bumaba nanaman kami.
Sa wakas, ay dumating na rin si Rex. Kumpleto na din ang Caving Expedition Team, haha. Nakasakay kami ng bus pa-San Jose nang mga alas kwatro. Ang sarap ng upo namin dahil sa halos walang pasahero ang bus. Pag-gising ko, may araw na at may tumabi na sa akin. Sa may
Akala namin may mga biyaheng

Sakay ang ALMA Trans.
Masasabi kong ang Alma Trans (since 1992) ay isa sa mga pinaka-advanced at modernong bus na bumabiyahe ngayon. Power windows, napakalambot ng mga upuan at ang shocks nito. Grabe! Very smooth ride. Kahit aspaltadong highway ang daan, parang nag-o-offroading kami.
Matapos kaming alug-alugin ni Alma, nakarating din kami sa Solano. Sinundo kami ng aming guide sa babaan ng bus. Malapit doon ang bahay ng isa pang guide, at mga dalawang kanto mula doon ang kinainan naming ng lunch. Pagkatapos ng tipid lunch namin, nag-tricycle na kami papunta sa sakayan ng jeep. Makikisabay lang kami sa mga higanteng jeep na sakay ang mga karton na paglalagyan ng citrus. Harvest season kasi at ang Nueva Vizcaya ang citrus capital ng Pilipinas. Pagdating namin sa sakayan, naiwan na kami ng jeep na dapat ay sasakyan namin. Buti nalang madami pang jeep na maghaharvest ng citrus kaya may nasakyan pa kami. Lagi nalang kaming iniiwan. Emo. Hahaha

Stopover
Okay naman ang biyahe namin papuntang Kasibu. Rough road, pero mas matagtag pa din yung

Jeep to Kasibu (Photo by Jolan Antonio)
Inabot din ng kulang-kulang sa apat na oras ang biyahe papuntang Kasibu. Napakadaming citrus. Sa sobrang dami, nagkalat nalang sa daan. Gusto

Go Team! (Photo by Rex Literato)
Nagpahinga muna kami ng mga 30 minutes sa isang bahay doon na pinapag-homestay-an ng mga travelers. Walang mga hotel o inn sa Kasibu, talagang dine-develop palang ang turismo.
Iba-iba ang itsura namin. Kami ni Rex, naka-boardshorts at T-shirt. Si Totoy mukang pupunta sa park pero naka-tsinelas. Si Jen, naka-sleeveless pa. Ang lamig pa naman. Ang mga guide namin naka sapatos lahat. Liban kay Jolan, lahat kami ay naka-sandals lang.

Night Trekking (Photo by Jolan Antonio)
Nag-lakad pa kami sa palayan at iba pang mapuputik na daanan patungo sa Brgy. Alayan kung saan nandun ang bahay ng isa sa mga local guides namin. Kinailangan pa naming maghanap ng guide na hindi lasing kasi may kasalan sa bayan at imbitado lahat. Pagdating naming sa bahay ng guide, naghintay ka kami ng matagal dahil nga magtatawag pa sila ng iba at hihiram pa ng hasag (Petromax). Inabutan kami ng gutom at lamig doon kaya nagpainit kami ng tubig at kumain ng cup noodles. At dahil sa boredom, dito na rin kami inabutan ng commercial break. Hahaha!

Magduling-dulingan tayo. (Photo by Jolan Antonio)
Nang handa na ang lahat lumakad na kami muli papunta sa entrance ng
Malaki at grandioso ang pasukan ng

Spelunkers! (Photo by Rex Literato)
Ibang klase din talaga ang spelunking experience namin. Nakapasok na ako ng
4.2 Km daw ang pagitan ng Alayan at

Formations (Photo by Rex Literato)
Hindi ko na mabilang kung ilang beses din ako muntik madulas pero sa kabutihang palad ay hindi naman ako sumemplang. Si Au yata, 3 beses bumagsak pero ayos lang naman siya.
Meron isang beses, akala ko mababaw kasi yung guide namin hanggang bewang lang niya ang tubig, mga isang metro lang ang layo niya. Talon naman ako sa tubig at nagulat nalang ako, tumuloy-tuloy yung tubig hanggang sa may baba ko. Ang yabang kasi! Hahaha!
Ang highlight talaga ng caving experience na ito ay ang buhay na buhay na structures na matatagpuan dito. Iba-ibang hugis at haba ang mga stalagmite at stalactite na makikita. Pansin din kung papaano alagaan ng mga guides ang kuwebang pinanggagalingan din ng kabuhayan nila. Very good sila dito.

Challenges (Photo by Rex Literato)
Pagka lampas namin ng pagitan ng Alayan at
2:00 AM – Exit at
4 hours. 19 minutes and 5 seconds ang time namin sa loob ng kuweba. Hindi na masama considering 6-7 hours ang inilaan naming. Pero kasama na pala ang trek papunta at pabalik dun sa 6-7 hours.
Kakaibang saya ang naramdaman namin ng muli naming makita ang mundo sa ibabaw ng lupa. Wala nang matatalas ng stalactite na susugat sa ulo. Wala na ding madudulas na tapakan. Pero talagang naramdaman na namin ang lamig lalo’t basa pa ang mga damit namin.
3:00 AM – Dinner / Breakfast
Pagkarating namin ay agad kaming naligo at nagluto ng pagkain. Ang menu: ginisang corned beef (Purefoods), ginisang Century Tuna at Bangus, itlog na maalat, piniritong longganisa at SPAM, at naguumapaw na kanin! Ang sarap ng kain namin!

Dinner / Breakfast (Photo by Rex Literato)
4:00 AM – Inuman Time
At dahil kaya pa namin. Sinimulan na din naming ang inuman. Natulog na si Jen at Helen at ang natira lang ay ako, si Totoy, Beck, Au, Jolan at Rex. Yan ang pagkakasunod-sunod ng tagay. Ako ang tanggero at pinilit kong ubusin naming ang dalawang kwatro kantos na may
6:00 AM – Jeep Ride Back to Kasibu

Blackout Jeep (Photo by Rex Literato)
Si Jen, Helen at Totoy sa harap, sa tabi ng driver. Si Beck, Au, Rex at ako sa second row. Si Jolan nag topload. Lahat kami bagsak! Tulog sa higit na 3 oras na biyaheng rough road. Di man lang namin namalayan ang tagtag ng biyahe. Ang pintuan ko bumubukas-bukas pa, itinali ko nalang ng seatbelt para hindi ako malaglag at mamatay. Dapat pala mag-inuman na ako ang tanggero bago bumiyahe para siguradong tulog!
Pagkarating ng Solano, naisipan naming kumain muli sa isang turo-turo. Ulam at kanin, P42. Haha! Nagtitipid talaga! Pagkatapos nito nagabang na kami ng bus na sasakyan pabalik ng
Punuan nanaman ang mga bus na nanggagaling ng Tuguegarao at Isabela. Inisip pa naming patusin na ang bus pa
At diyan na natapos ang biyahe namin. Pagod-pagod. May mga kaunting sugat. Pero masayang-masaya!
Hardcore!
Maraming salamat sa aking mga kasama: Rex, Jolan, Totoy, Beck, Au, Jen at Helen. Good times. BAYONG!
Maraming salamat din sa aming guides. Ang gagaling niyo!
*Salamat sa magagandang pictures galing kay Rex at kay Jolan.











Recent Comments