8/26/08

9:OO PM - Kitakits

Maaga ako nang sampung minuto sa tinakdang oras. Nagulat ako sa dami ng mga taong nakapila at nakatambay sa bus station. Hindi lang kami ang nakaisip na mag out-of-town. Pero bakit andaming gusto sumakay papunta ng Tuguegarao? Sa ibang mga bus station naman na iba ang destinasyon hindi ganito. Halos saktong 9:00 PM dumating si Jolan. Dahil sa dami nga ng mga tao dito, naisipan namin na lumipat sa katabing Jollibee.

Sa Jollibee na nagsunuran ang mga tao. Si Cha, na nakitambay lang, si Totoy, si Au at Beck na galing timog (as in “south” hindi yung gimikan) at si Jen and Helen. Pasado alas diyes ay isa nalang ang kulang sa amin, si Rex. Alas nuwebe palang ay tumawag na si Rex upang sabihin na hindi siya makakarating sa takdang oras. Nagkaproblema daw at kailangan niyang manatili pa sa opisina. Di naman daw pwedeng sabihin sa manager niya na may trip siya.

10:3O PM - Deliberation

Pinagusapan namin bilang isang grupo ang sitwasyon. At dahil kami ay magkakaibigan, walang iwanan. Tinanong namin si Rex kung anong oras siya makaka-alis, sabi niya mga 12 or 1 AM pa daw. Ang last trip ay 11:30 PM at ang first trip nila ay 4:30 AM. Napagdesisyunan na naming dun na kami sa 4:30 AM pero pagdating namin sa ticketing office, 7:30 AM na daw ang susunod. Buwiset!

11:00 PM - Research at Internet sa EDSA

Sa gitna ng pagkalito, naisipan kong buksan ang laptop ko upang maghanap ng isang telephone number sa isa sa mga Word files ko. Hindi ko nahanap. Na-curious lang naman ako at in-on ang Wifi ko. Aba! Sa parking lot Jollibee (EDSA corner Kamias), may libreng internet! At mabilis pa. Ginamit namin ang laptop ko upang maghanap ng mga telephone number ng mga bus liner na papuntang Tuguegarao, Kalinga, Isabela o Ifugao. Lahat kasi ng mga biyaheng ito ay daraan ng Solano kung saan kami papunta. Dito rin namin nakausap si Rex gamit ang YM. Naiwan kasi niya ang cellphone niya. Very good. Matagal-tagal pa daw ang labas niya. Matapos naming tawagan lahat, nalaman naming sa umaga pa talaga magkakaroon ng mga biyaheng didiretso ng Solano. Sa Baliuag Transit, mayroon daw bus papuntang San Jose, Nueva Ecija ng 3AM.

12:30 AM - Tambay sa Baliuag Transit

Dito na namin naisipang magtagal. Umaasang darating na si Rex ng 3AM. Naghintay. Nagyosi. Sinubukang matulog. Nagkwentuhan. Nagyosi uli

Boarding time na at naisipan naming sa loob nalang maghintay. Malamig at malambot ang upuan, hehe. Nagyosi ako sa labas para abangan si Rex, dapat ay parating na siya. Ambilis napuno ng bus kaya hindi maiwasan at kailangan nang bumiyahe. Umandar na ang bus at paglabas ng stasyon ay bumaba nanaman kami.

3:30 AM - Ang Pagdarating at Biyahe pa San Jose

Sa wakas, ay dumating na rin si Rex. Kumpleto na din ang Caving Expedition Team, haha. Nakasakay kami ng bus pa-San Jose nang mga alas kwatro. Ang sarap ng upo namin dahil sa halos walang pasahero ang bus. Pag-gising ko, may araw na at may tumabi na sa akin. Sa may Cabanatuan na ata yun. Tulog ulit. Hanggang dumating kami sa San Jose.

9:00 AM - San Jose at I <3 Alma

Akala namin may mga biyaheng San Jose - Solano. Yun pala, hihintayin din namin ang mga bus na galing ng Manila. Ngek! Kakain muna sana kami ng agahan pero biglang may dumating na non-aircon minibus na papuntang Tuguegarao. Siyempre sakay kami! Backpacking ito!

ALMA or Bust!
Sakay ang ALMA Trans.

Masasabi kong ang Alma Trans (since 1992) ay isa sa mga pinaka-advanced at modernong bus na bumabiyahe ngayon. Power windows, napakalambot ng mga upuan at ang shocks nito. Grabe! Very smooth ride. Kahit aspaltadong highway ang daan, parang nag-o-offroading kami.

12:00 PM - Sa Wakas, Solano

Matapos kaming alug-alugin ni Alma, nakarating din kami sa Solano. Sinundo kami ng aming guide sa babaan ng bus. Malapit doon ang bahay ng isa pang guide, at mga dalawang kanto mula doon ang kinainan naming ng lunch. Pagkatapos ng tipid lunch namin, nag-tricycle na kami papunta sa sakayan ng jeep. Makikisabay lang kami sa mga higanteng jeep na sakay ang mga karton na paglalagyan ng citrus. Harvest season kasi at ang Nueva Vizcaya ang citrus capital ng Pilipinas. Pagdating namin sa sakayan, naiwan na kami ng jeep na dapat ay sasakyan namin. Buti nalang madami pang jeep na maghaharvest ng citrus kaya may nasakyan pa kami. Lagi nalang kaming iniiwan. Emo. Hahaha

Maize
Stopover

Okay naman ang biyahe namin papuntang Kasibu. Rough road, pero mas matagtag pa din yung Alma Trans. Itinulog lang namin uli!


Jeep to Kasibu (Photo by Jolan Antonio)


6:00 PM – Welcome to Kasibu

Inabot din ng kulang-kulang sa apat na oras ang biyahe papuntang Kasibu. Napakadaming citrus. Sa sobrang dami, nagkalat nalang sa daan. Gusto sana naming pumitas nalang kaso baka ma-shotgun kami. O di kaya ma-itak.


Go Team! (Photo by Rex Literato)


Nagpahinga muna kami ng mga 30 minutes sa isang bahay doon na pinapag-homestay-an ng mga travelers. Walang mga hotel o inn sa Kasibu, talagang dine-develop palang ang turismo.

7:00 PM – Hike Starts Now

Iba-iba ang itsura namin. Kami ni Rex, naka-boardshorts at T-shirt. Si Totoy mukang pupunta sa park pero naka-tsinelas. Si Jen, naka-sleeveless pa. Ang lamig pa naman. Ang mga guide namin naka sapatos lahat. Liban kay Jolan, lahat kami ay naka-sandals lang.


Night Trekking (Photo by Jolan Antonio)


Nag-lakad pa kami sa palayan at iba pang mapuputik na daanan patungo sa Brgy. Alayan kung saan nandun ang bahay ng isa sa mga local guides namin. Kinailangan pa naming maghanap ng guide na hindi lasing kasi may kasalan sa bayan at imbitado lahat. Pagdating naming sa bahay ng guide, naghintay ka kami ng matagal dahil nga magtatawag pa sila ng iba at hihiram pa ng hasag (Petromax). Inabutan kami ng gutom at lamig doon kaya nagpainit kami ng tubig at kumain ng cup noodles. At dahil sa boredom, dito na rin kami inabutan ng commercial break. Hahaha!


Magduling-dulingan tayo. (Photo by Jolan Antonio)

Nang handa na ang lahat lumakad na kami muli papunta sa entrance ng Alayan Cave.

9:30 PM – Entering Alayan Cave

Malaki at grandioso ang pasukan ng Alayan Cave. Wala pang sampung minuto, rinig na namin ang agos ng tubig na isang palatandaan na buhay ang kuweba. Pagka tuyo daw ang kuweba, patay na ito. Ilang minuto pa at nabasa din kami. Putsa ang lamig! Lalo na ang unang lublob. Ika nga ni Rex “Mababasa na sila!”


Spelunkers! (Photo by Rex Literato)

Ibang klase din talaga ang spelunking experience namin. Nakapasok na ako ng Biak na Bato (Bulacan), Callao Caves (Cagayan) at Sumaguing Caves (Sagada, Mt. Province) pero sandali lang naman ako sa loob. Ang Capisaan Caves ay ang 5th longest cave system daw sa Pilipinas at totoo naming mahaba-haba ang spelunking na ginawa namin.

4.2 Km daw ang pagitan ng Alayan at Lion Cave entrances. Sa higit 4 na kilometro at hapat na oras na iyon, kung ano-anong pagbabaluktot ng katawan ang ginawa namin para sumuot sa mga butas. May crouch, may pahiga, may gapang, may duckwalk, may luhod. May mga mabababaw na tubig, meron din halos lampas na sa akin.


Formations (Photo by Rex Literato)


Hindi ko na mabilang kung ilang beses din ako muntik madulas pero sa kabutihang palad ay hindi naman ako sumemplang. Si Au yata, 3 beses bumagsak pero ayos lang naman siya.

Meron isang beses, akala ko mababaw kasi yung guide namin hanggang bewang lang niya ang tubig, mga isang metro lang ang layo niya. Talon naman ako sa tubig at nagulat nalang ako, tumuloy-tuloy yung tubig hanggang sa may baba ko. Ang yabang kasi! Hahaha!

Ang highlight talaga ng caving experience na ito ay ang buhay na buhay na structures na matatagpuan dito. Iba-ibang hugis at haba ang mga stalagmite at stalactite na makikita. Pansin din kung papaano alagaan ng mga guides ang kuwebang pinanggagalingan din ng kabuhayan nila. Very good sila dito.


Challenges (Photo by Rex Literato)

Pagka lampas namin ng pagitan ng Alayan at Lion Caves, naisipan muna naming mag-pahinga. May baon kasi kaming cookset at nagkape muna kami. Ang sarap ng kapeng mainit sa malamig na kweba! Naramdaman na rin namin ang gutom kaya binilisan na namin ang pace sa huli. Magsasaing pa kami at magluluto.

2:00 AM – Exit at Lion Cave

4 hours. 19 minutes and 5 seconds ang time namin sa loob ng kuweba. Hindi na masama considering 6-7 hours ang inilaan naming. Pero kasama na pala ang trek papunta at pabalik dun sa 6-7 hours.

Kakaibang saya ang naramdaman namin ng muli naming makita ang mundo sa ibabaw ng lupa. Wala nang matatalas ng stalactite na susugat sa ulo. Wala na ding madudulas na tapakan. Pero talagang naramdaman na namin ang lamig lalo’t basa pa ang mga damit namin.

3:00 AM – Dinner / Breakfast

Pagkarating namin ay agad kaming naligo at nagluto ng pagkain. Ang menu: ginisang corned beef (Purefoods), ginisang Century Tuna at Bangus, itlog na maalat, piniritong longganisa at SPAM, at naguumapaw na kanin! Ang sarap ng kain namin!


Dinner / Breakfast (Photo by Rex Literato)

4:00 AM – Inuman Time

At dahil kaya pa namin. Sinimulan na din naming ang inuman. Natulog na si Jen at Helen at ang natira lang ay ako, si Totoy, Beck, Au, Jolan at Rex. Yan ang pagkakasunod-sunod ng tagay. Ako ang tanggero at pinilit kong ubusin naming ang dalawang kwatro kantos na may Eight o’Clock orange. Ang bilis kasi dumating ng jeep. 6:00 AM kung 6:00 AM. Kaya may natira pang kaunti. Pero tiyak, dahil na rin sa pagod, tinamaan kami lahat.

6:00 AM – Jeep Ride Back to Kasibu


Blackout Jeep (Photo by Rex Literato)

Si Jen, Helen at Totoy sa harap, sa tabi ng driver. Si Beck, Au, Rex at ako sa second row. Si Jolan nag topload. Lahat kami bagsak! Tulog sa higit na 3 oras na biyaheng rough road. Di man lang namin namalayan ang tagtag ng biyahe. Ang pintuan ko bumubukas-bukas pa, itinali ko nalang ng seatbelt para hindi ako malaglag at mamatay. Dapat pala mag-inuman na ako ang tanggero bago bumiyahe para siguradong tulog!

9:30 AM – Balik Solano

Pagkarating ng Solano, naisipan naming kumain muli sa isang turo-turo. Ulam at kanin, P42. Haha! Nagtitipid talaga! Pagkatapos nito nagabang na kami ng bus na sasakyan pabalik ng Manila.

11:26 AM – Bus Ride to Manila

Punuan nanaman ang mga bus na nanggagaling ng Tuguegarao at Isabela. Inisip pa naming patusin na ang bus pa Baguio. Pero biglang may dumaan na Victory Liner na pa-Cubao kaya lang puno na din. Sinakyan na din namin pero standing room. Sila Au, Beck, Helen at Jen, nakadiskarteng makaupo. Kaming mga lalaki nakaupo na sa San Jose at Cabanatuan. Nang mapagod kaming tumayo, umupo na din kami sa sahig. Nakatulog pa kami!

6:30 PM – Balik Manila

At diyan na natapos ang biyahe namin. Pagod-pagod. May mga kaunting sugat. Pero masayang-masaya!

Hardcore!

Maraming salamat sa aking mga kasama: Rex, Jolan, Totoy, Beck, Au, Jen at Helen. Good times. BAYONG!

Maraming salamat din sa aming guides. Ang gagaling niyo!

*Salamat sa magagandang pictures galing kay Rex at kay Jolan.

NAIA Terminal III

8/25/08

Haven’t posted in a long time. Oops. Finals week at school and I’ve been drowning in work.

I got a chance to use the newly opened NAIA Terminal III. With all the hassles involves, it’s really great that we finally have a new airport to house our domestic flights. Spacey, quite organized. And cold!

And we got walkalators now!


Let’s reflect.


So many lines.


Walkalator. Wee!

NAIA Terminal III or BUST!

12,000 Clicks and Counting

8/4/08

Today, in a futile attempt at creating something, I noticed that I’ve already clicked my Canon 40D 12,000 times. I got this camera early December of 2007 as a replacement for my Canon 400D which has served me well for a year and is now in another person’s able hands. I hope to hit the 20,000 mark by the time it turns one (Haberdey!).

And as an ode to Saturday’s failed badminton meet, here is my 40D’s 12,000th image.


Shuttlecock

Here’s to more photographs!

Go out and shoot!

Return to Sagada (Part II)

6/12/08

On with the Cordillera’s signature landscapes. Taken on the way to Bomod-ok Falls.


Young One


The Village


Stop Hut


Green to Gold


Terrazas de Sagada

Give me terraces or give me nothing!

Oh yeah. Happy Independence Day to us! Pinas or Bust!

5/22/08

It’s a shame I didn’t have the opportunity and time to shoot in Kalinga because of the torrential downpour and also because of work. It’s a good thing I’m coming back.The only chance to shoot presented itself on the way home because we got stuck in traffic because of the multiple landslides in Nueva Vizcaya.

I was basically shooting with my telephoto from the car window. Pretty bad photography if you ask me.

But it’s better than nothing right?


Girl


Boy


Girl + Boy

Oh well. There’s always a next time.

Powered by WordPress Skins and skD Theme